Sa uulitin muli, Paalam

Paalam, kumusta?

Matagal na panahon noong muli tayong nagkita.

Pagpasensiyahan mo na ako noon at masungit ako, tanong ka kasi ng tanong.
Hindi tuloy kita nasagot ng maayos.

Ngayong napadaan ka ulit.
Mukha atang mangungulit muli,
At susulitin ang pagkakataon na ako'y nagmumuni muni.
Uulit uliting itatanong mo kung ako ay handa na...
At sa pagkakataong ito, hindi ako maiinis.
At Sasagutin kita...

At muli, “Hindi pa.."

Tulad nung nakaraan, hindi pa siya sumasagi sa isip ko.
Hindi na muna ako sasama sayo maglakbay.
Wala pa kasi sa aking bukambibig ang iyong pangalan.
Kaya...

Hanggang sa muli muna, Paalam.